Kapag may nararamdaman kang masakit sa katawan, saan ka unang pumupunta? Sigurado, ilalabas mo ang cellphone at magse-search sa internet. Hindi ka nag-iisa dahil maraming tao ang ganito. Kaya madalas may anxiety attack sila.
Ano ang Mga Nararamdaman?
Matindi ang ating isip kapag nakakaramdam tayo ng kahit konting sakit lang. Madalas ito ay may kinalaman sa ulo, dibdib, mata at tiyan. Marami rin akong nakilalang tao na sobra ang pag-aalala kapag masakit ang kanilang ari.
Masama ba magbasa ng matinding sakit sa internet?
Maaaring makatulong ang mga impormasyon online pero ito ay pwedeng maging dahilan kaya may anxiety attack ka.
Naranasan ko na yan simula pa nung college at may pagsisisi rin kung bakit ako may anxiety episodes.
Alam ko na hindi mo rin mapigilan na hindi magbasa online ng mga dahilan ng symptoms mo kaya lang minsan, sobra na kaya tayo natatakot.
Nag-iisip tayo kaagad na baka may matinding sakit nga tayo base sa nabasa natin. Kung ganito rin lang ang epekto sa atin, ibig sabihin nito ay hindi nakakatulong ang pagbabasa.
Ano ang pwedeng gawin?
Kung magbabasa ka mang ng tungkol sa nararamdaman mo, mabuting maging relaxed lang at kalmado. Ituring mo na reference lang and internet articles at hindi ito talaga pwedeng mag-diagnose ng sakit.
Ang isang doctor lang ang pwedeng magbigay sa iyo ng tamang information tungkol sa health.
Kaya next time na may nararamdaman kang symptoms, dumiretso na kaagad sa doctor at itanong ang iyong kalagayan. Huwag basta-basta maniniwala sa nababasa o napapanood sa internet tungkol sa mga sakit dahil marami dito ay ginawa lang para sa content.