Home / Acid Reflux Dahil sa Anxiety Attack at Kakaisip

Acid Reflux Dahil sa Anxiety Attack at Kakaisip

Lagi kang nadidighay at parang mahapdi ang tiyan? Pwedeng yan ay sintomas ng acid reflux o GERD. Pero alam mo ba na hindi lang pagkain ang pwedeng magdulot niyan?

Simula college na-diagnose na ako ng pagkakaroon ng acid reflux. Hindi siya talaga maganda sa pakiramdam. Parang may tumutusok sa dibdib at lalamunan, masakit kapag lumulunok, puro dighay at utot at mas masakit ng 10x sa ordinary hyperacidity.

Ganyan palagi ang sintomas ko noon. May mga time na talagang nasusuka ako dahil sa taas ng acid.

Ano ang Sabi gn Doctor?

May psychiatrist ako ng kinonsulta noon na nasa loob din ng health center ng university. Nagtanong siya ng mga nararamdaman ko at sinabi niyang may acid reflux ako.

Anxiety ba?

Maliban sa pagkain, stress at anxiety daw ang major source ng pagtaas ng acid ko sa tyan. Napansin ko nga na parang tama siya kasi nangyayari lahat ng sumpong tuwing exam week.

Alam naman natin na ito ang panahon ng puyat at stress talaga. Pero ang malala ay dahil nagsisimula na ang internet noon (ang tanda ko na), may access na ang library namin sa online encyclopedia.

Dahil sa hindi ako mapalagay, nag research ako sa internet. Na sana di ko na lang ginawa.

Dito nagsimula lumabas ang terms na cancer, infection, surgery at iba pang nakakatakot na medical topics. Dahil doon, tuloy tuloy na sa isip ko na baka may malalang sakit ako, dahilan kung bakit ako nagkaroon ng anxiety attacks.

Naging cycle na ito sa akin ng ilang years. Acid reflux dahil sa anxiety sa kakaisip tapos anxiety naman dahil sa acid reflux. Mahirap pigilan ang cycle na paikot ikot lang.

After a few years, naka limang doctors na ako kaka pa check-up. Lahat sila sinabi na bawasan ko ang pag-iisip at stress. Maliban sa prescription nilang omeprazole at pantoprazole, unti-unti naman nabawasan ang mga sintomas ko. Binawasan ko na rin ang pag-iisip at nag gym para malibang.

Aaminin ko na sumusumpong pa rin ang acid reflux ko everytime na may stressful time sa buhay. Pero nababawasan ko na rin ang anxiety attacks ko.

Ikaw ano ang ginagawa mo kapag sabay nangyayari ang acid reflux at anxiety attack? Share mo.

error: Content is protected !!