Kapag nagda-drive ka, naiisip mo rin ba na baka atakihin ka sa puso? Hindi ka nag-iisa dahil madalas rin itong maisip ng mga may anxiety attacks. Ano ba ang pwedeng gawin dito?
Kapag mag-isa lang na nagmamaneho, importante na maging kalmado at iwasan na magpa-apekto sa mga stress sa kalsada. Alam na natin na maraming pasaway na driver kaya dapat kalmado lang tayo.
Hindi rin maiiwasan na maka-encounter ng mga pedestrian na makukulit na pwedeng magbigay sa atin ng stress.
Ano ang Pakiramdam?
Kapag nakakaranas ng pananakit ng dibdib, bigla natin naiisip agad ang heart attack. Madalas ko itong maisip lalo na pag wala akong kasama sa sasakyan. Nakakataranta dahil baka walang tutulong sa iyo kapag nangyari nga.
Pero madalas, ito ay dahil sa anxiety attack lang na kusa ring nawawala matapos mag-relax ng ilang minuto.
Tandaan na ang heart attack ay talagang mararamdaman mo at hindi nasa isip lang. Kaya siguradong iba ito kaysa sa mga sintomas na dulot lamang ng anxiety.
Ano ba ang pwedeng gawin?
Ang naiisip ko kung talagang may paparating na sudden pain ay humihinga ako ng malalim. Madalas, mahirap para sa akin na mag-identify kung anxiety lang o talagang masakit ang dibdib ko.
Ang ginagawa ko ay tumatabi ako sandali at hihinga ng malalim pero dahan dahan. Papakiramdaman ko kung talaga bang masakit ang dibdib ko o kung may iba pang warning signs.
Fortunately, nakakaraos rin makalipas ng ilang minuto na pagiging kalma, kaya tuloy utli sa pagmamaneho.
Lagi lang nating isipin ang mga first step na pwedeng gawin kapag nakakaranas ng masakit na dibdib.
Pwede tayong tumabi muna sa kalsada at humingi ng tulong kung ang pain ay hindi na natin makayanan.
Makakatulong din na may naka ready na quick dial emergency numbers sa ating phone. Pwedeng kapamilya, kaibigan o kaya emergency hotlines ng ospital.
Ikaw, naranasan mo na rin ba ang anxiety ng heart attack sa pagmamaneho?