Home / Anxiety sa Tetano Matapos Masugatan

Anxiety sa Tetano Matapos Masugatan

Nung tayo ay mga bata pa, hindi natin pinapansin kapag nasugatan ang ating balat. Pero ngayon na may anxiety ka na, ang kaunting sugat ay nagbibigay na sa’yo ng worries at pag-iisip na baka ma-tetano ka.

Ano ang mga scenario na pwedeng magbigay ng anxiety ng tetanus?

Isa sa mga ito ay ang gasgas ng alambre sa balat ng kamay, braso, binti o paa. Madalas nating maisip na baka magkaroon ng tetano. Ito ay pwedeng mangyari sa garden, sa mga nakusli na bakal sa sidewalk o kaya sa mga nakakalat na metal sa bahay gaya sa garahe o bodega.

Sugat na may kalawang

Kapag ito ay may kalawang o madumi, pwedeng magkaroon ito ng tetanus. Kung nag-iisip ka na baka magkaroon ka ng infection, dapat na ikonsulta ito sa doctor.

May ilang beses na akong pumunta sa ospital para magpa inject ng anti-tetanus. May times na talagang nirecommend ng doctor ang vaccine nung nakita niya ang sugat ko sa paa. Dumugo ito at medyo malalim.

Gaano katagal pwede magpa anti-tetanus?

Nung nakaraang araw pa nangyari ang sugat kaya lagpas 24 hours na ako nakapagpa-inject pero ok lang daw.

Sa mga ibang sugat na nangyari sa ibang taon, hindi ako binigyan ng shots dahil may tinatawag silang “clean wounds”. Hindi exposed sa kalawang o lupa yung bakal. Binigyan lang ako ng gamot para gumaling.

May isang beses din na nagasgas ng nakausli na turnilyo sa lamesa ang balat ko. Dumugo ito at may hiwa ang sugat. Tiningnan ko mabuti ang turnilyo at wala naman kalawang.

Nag-consult pa rin ako sa doctor at sinabing hindi kailangan ng shots.

Anti rabies at tetanus

Kapag nag-inject ang doctor ng anti-rabies, pwede rin niyang isabay ang tetanus shots lalo na kung malalim ang sugat. Dahil posibleng madumi ang kuko at ngipin ng aso, ito ay ginagawa rin.

Ikaw, nakaranas ka na ba ng anxiety dahil sa pag-iisip ng tetanus?

error: Content is protected !!