Home / Natalsikan ng Laway ng Aso Sa Mata

Natalsikan ng Laway ng Aso Sa Mata

Kung ikaw ay may aso sa bahay, pwedeng nakikipaglaro ka sa kanya at biglang natuluan ng laway ang mata mo. Nakakatakot naman talaga ang experience na ito pero ano ba ang dapat isipin?

Madalas ang mga tao ay nagtatanong kung pwede ba magkaroon ng rabies sa ganitong paraan kaya lumalala ang anxiety attack.

Pwede ba magkaroon ng rabies sa laway ng aso sa mata?

Ang rabies ay nalilipat sa tao dahil sa kagat ng aso o pusa. Dahil sa laway nito, nakakapasok ang rabies virus sa blood stream.

Kung sa mata natuluan ng laway, posibleng maging daan ito ng rabies, KUNG may rabies nga ang aso. Importante ang terminong KUNG ang hayop ay infected nga ng virus. Tsaka lamang ito pwedeng makahawa ayon sa CDC.

Kung di ka mapalagay, pwede ka naman mag consult sa isang doctor. Usually, nasa Php 400 lang consultation.

Kailangan ko ba ng anti rabies vaccine?

Depende ito sa sasabihin ng doctor dahil may exposure ka sa laway ng alaga mo. Ang mata ay may mucus membrane na pwedeng pasukan ng microorganisms. Pero hindi nangangahulugan nito na kapag natuluan ka ng laway sa mata ay magkaka-rabies ka nga.

Mahalaga na matukoy muna ang risk of infection sa pamamagitan ng pag-alam kung ang aso ay may rabie o wala.

Kung wala siyang rabies, hindi ka magkakaroon nito kahit matuluan ka pa ng laway sa mata.

error: Content is protected !!