Home / Parang Hihimatayin Pero Hindi Natutuloy

Parang Hihimatayin Pero Hindi Natutuloy

Ang mga taong hinihimatay ay karaniwang nawawalan ng malay. Yan naman talaga ang senyales na sya nga ay hinimatay. Pero paano kung nararamdaman mo na hihimatayin ka na pero wala naman nangyayari?

Unang Sintomas

Isa ito sa pinaka-unang sintomas na naranasan ko tungkol sa anxiety attack. Around 2001 yun nung una kong naramdaman ang ganito. Wala akong alam na sa ngayon, isa na ito sa pinakamadalas mangyari sa mga taong may anxiety.

Ano Ang Naramdaman Ko

Nasa tapat lang ako ng computer at nagta-type ng school project. Maya maya, bigla na lang na parang may lumakad na sensation sa dibdib ko papunta sa ulo.

Hindi ko muna ito pinansin kasi akala ko kinikilabutan lang ako. Pero ilang seconds lang parang lumalala at lumalakas yung sensation. Bigla akong tumayo at parang natataranta na.

Ilang segundo pa lalong lumakas yung pakiramdam na para bang nagsasaklob na yung buong mundo na hindi ko maipaliwanag. Parang matatapos na ang lahat at mamamtay ka na. Ganun kalala ang pakiramdam.

Paano Natapos

Ang pagkahimatay ay may umpisa at katapusan. Dahil sa hinimatay ka, mawawalan ka dapat ng malay ng ilang minuto. Pero sa anxiety attack na ito, ang sintomas ay tuloy-tuloy.

Para siyang hihimatayin ka at malapit ka na sa dulo pero wala naman nangyayari. Hindi ka nawawalan ng malay kaya nararamdaman mo pa rin ang sintomas.

Minsan nga kapag sumusumpong ito ay gusto ko nang sabihin “sige na ituloy niyo na, hayaan niyo na akong himatayin at isara ang mata ko para wala na ako maramdaman“.

Pero hindi ito natutuloy palagi.

Isipin mo na nasa 99% ka nang mawawala ng malay, pero bakit ayaw pumunta sa 100% para mag blackout ka na. Ganun. Hindi sya tumutuloy kaya ramdam mo lahat ng hirap hanggang lumipas ito.

Wala naman akong ibang ginagawa kapag dumadating ang sumpong na ito. Natataranta ako pero lumalabas ako ng bahay at tumitingin lang sa langit, sa mga puno. Basta ang kailangan ko lang gawin ay makakita ng ibang bagay sa paligid.

Unti-unti, nababawasan ang sintomas at bumabalik na ang normal na paghinga ko. Siguro mga 15 minutes bago tuluyang mawala ang mga nararamdaman ko.

Yun nga lang, para akong nag-exercise at napagod. Kailangan kong uminom ng tubig mat maupo na lang sa tabi para bumalik ang normal state ng isip ko.

Ikaw, naranasan mo na ba ito?

error: Content is protected !!